FILIPINO: ANGAT SA BUONG MUNDO

by: Cynthia Torreon

Ika-3 ng Agosto ay opisyal na binuksan at ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika 2016 sa Handumon National High School na may temang. “ Filipino: Wika ng Karunungan. Ang mga Pilipino ay kilala bilang isang magagaling sa anumang larangan ng talento kaya naman ang piling mag-aaral ng bawat seksyon ay nakilahok sa paggawa ng slogan , poster making , at sanaysay. Naipamalas din ang iba’t-ibang presentasyon gaya ng pag –awit at pag-sayaw.

Sa pagtapos ng selebrasyon ay inaanyayahan ang lahat na magsuot ng Pilipinong Kasuotan. Lumabas aang katatagan at pagka –aktibo ng mga mag-aaral lalo na ang mga guro na nakisabay rin sa Larong Pinoy gaya ng Kadang-kadang na tabla.

Hindi man iyon ang perpektong programa ng taon pero patuloy pa rin tayo hanggang ito’y natapos. Nawa’y naitatak sa inyong puso’t isipan ang totoong diwa ng Buwan ng Wika.



No comments:

Post a Comment