Cynthia Torreon, 9-Fortitude
Dahil ang wikang Filipino
ay sumasagisag na tayo’y tunay na Pilipino, wikang nagpapakilala sa kagandahan
n gating lahi at kultura, ang Buwan ng Wika ay di nakaligtaang ipagdiwang ng
mga guro at mag-aaral sa Handumon National High School.
Naging matagumpay ang
pagdairiwang na ito na ginanap noong ika-30 ng Agosto, 2014 na may temang
“Filipino: Wika ng Pagkakaisa”.
Nasaksihan ng lahat ang
samu’t saring presentasyon na inihanda ng mga mag-aaral na inumpisahan ng
pagbibigay puri at pasasalamat sa Poong Maykapal.
Hindi lamang kantahan at
tagisan ng talino sa pamamagitan ng Balagtasan ang itinampok ng mga mag-aaral,
pinakahinihintay ng lahat ang paghahanap ng magiging Lakambini 2014 na nakuha
ni Marivel Torrefiel. Nagpakita din ng kakayahan sa pagsayaw ang ibat-ibang mga
representante ng mga bawat baitang para sa paligsahan ng katutubong sayaw.
Bakas sa mukha ng lahat ang aliw na ipinakita ng bawat kalahok.
Nagbigay naman ng mensahe
si Gng. Rosela Balorio hinggil sa ating Wikang Pambansa. Taos pusong
nagpasalamat at pagpuri ang ilan sa naging laman ng mensahe ni Gng. Balorio
dahil sa tagumpay ng pagdiriwang at ang kooperasyong ibinigay ng lahat.
Hello
ReplyDelete